Napapanahong Isyu
Maraming buhay ang nasira dahil sa
COVID-19 at buong mundo ay ang naapektuhan. Maraming mga plano sa buhay na
hindi natupad at hindi nauumpisahan.
Mahirap mabuhay sa sitwasyong ito lalo na’t wala pang bakuna para sa
pandemic. Ang buhay ay nagiging magulo noong dumating ang COVID na nagsimula
pag December 2019, maraming mga events, plano at expectations ang nasira. Ang
buhay ay talagang nagbago kagaya nang paraan upang mag-aral, magtrabaho at
pamumuhay. Nagiging kumplikado ang mundo dahil lang sa isang sakit na
kumakalat.
Sa mga lumipas na buwan mula December ang
cases ng covid ay nabawasan at ang buhay ay gumagaan, maraming mga tao ay
nakakalabas na at nag enjoy. Ngunit meron paring mga tao na naghirap at meron
ding mga tao na nakakuha ng virus sa kanilang paggagala. Ang virus na ito ay
napaka lakas kasi kahit ika’y malusog at masigla mahahawa ka parin.
Madali lang iwasan ang virus, ikaw lang
ay dapat mag distansya sa mga tao, kahit ikaw ay maggagala pwede ka pa rin
maging ligtas. Kami ng aking pamilya kapag kami ay may planong lumabas mag
pipili muna kami ng lugar na mapupuntahan na walang maraming tao upang hindi masikip.