Friday 18 December 2020

Markahang Pangganap

                                        Napapanahong Isyu


      Maraming buhay ang nasira dahil sa COVID-19 at buong mundo ay ang naapektuhan. Maraming mga plano sa buhay na hindi natupad at hindi nauumpisahan.  Mahirap mabuhay sa sitwasyong ito lalo na’t wala pang bakuna para sa pandemic. Ang buhay ay nagiging magulo noong dumating ang COVID na nagsimula pag December 2019, maraming mga events, plano at expectations ang nasira. Ang buhay ay talagang nagbago kagaya nang paraan upang mag-aral, magtrabaho at pamumuhay. Nagiging kumplikado ang mundo dahil lang sa isang sakit na kumakalat.

 

     Sa mga lumipas na buwan mula December ang cases ng covid ay nabawasan at ang buhay ay gumagaan, maraming mga tao ay nakakalabas na at nag enjoy. Ngunit meron paring mga tao na naghirap at meron ding mga tao na nakakuha ng virus sa kanilang paggagala. Ang virus na ito ay napaka lakas kasi kahit ika’y malusog at masigla mahahawa ka parin.

 

      Madali lang iwasan ang virus, ikaw lang ay dapat mag distansya sa mga tao, kahit ikaw ay maggagala pwede ka pa rin maging ligtas. Kami ng aking pamilya kapag kami ay may planong lumabas mag pipili muna kami ng lugar na mapupuntahan na walang maraming tao upang hindi masikip.

 

No comments:

Post a Comment

Musical Play